Miyerkules, Agosto 22, 2018

Wikang Filipino ay mahalin at gamitin pagyamanin ang sariling atin

Resulta ng larawan para sa wikang filipino: pagyamanin pa ito



Kilala ang mga Pilipino bilang sa pagiging gaya-gaya, kung anu ang uso ay atin itong ginagaya agad. Dahil dito, nakakasanayan natin na gayahin ang kanilang wika. Magkakaroon ito malawakang epekto sa ating wika. Isa itong salik na makakaapekto sa pag-unlad ng ating wika dahil ayon sa pag-aaral ng Social Weather Station , noong una ay anim sa sampung Pilipino ang bihasa o fluent sa pagsasalita ng Ingles mabuti na lang at nabago ito. Sa nakalipas na taon, tinatayang tatlo sa sampung Pilipino na lang ang pumipili ng pagsasalita ng wikang Ingles. Kung nagtuloy-tuoy ang pagpili ng mga Pilipino sa wikang Ingles ay maaring bumagsak ang ating sariling wika. Hihinto at hindi na muling uunlad pa ang ating wika dahil isa ang pakikipagtalastasan  sa mga paraan para mas lalo itong umunlad. 

Ang pag-unlad ng bansang Pilipinas at ng ating wika ay nakasalalay sa mga mamamayan. Nais namin bilang mga mag-aaral na gamitin ang adbokasiyang: "Wikang Filipino ay mahalin at gamitin pagyamanin ang sariling atin" dahil sa banta ng mga dayuhang salita na madalas na ginagamit ng ilan sa mga Pilipino. Sa paglipas ng panahon, may mga tao pa ring gumagamit ng mga banyagang wika na pwedeng ikasama ng ating wika at ikabuti ng ating bansa. Ikasama dahil nababawasan ang pag-unlad ng ating wika. Ikabubuti dahil sa pagkakaroon ng mabuting ugnayan ng mga Pilipino at mga banyaga. 

Ang layunin ng mga mag-aaral na maiparating sa mga makakabasa na nanganganib na ang ating wika. Bukod  dito ay hikayatin ang iba pang mag-aaral na mas paunlarin at mas pagyamanin pa ito.

5 komento:

  1. Wow. Malaking tulong po ito sakin. Salamat po.

    TumugonBurahin
  2. Tama ang iyong sinabi na kailanga nating mas paunlarin ang ating wika

    TumugonBurahin
  3. Tamang huwag tayong maging banyaga sa sarili nating wika dahil sarili itong atin at ito ang ating pagkakakilanlan.

    TumugonBurahin
  4. Ang pagkakaroon ng wikang pambansa ay isang pagkakakilanlan kaya dapat natin itong pakaingatan at pakamahalin

    TumugonBurahin
  5. may mga bagay taong madalas nakakalimutan pero ang ating sariling wika ay wag na wag kalilimutan

    TumugonBurahin